43

By

Albayalde kay Ladlad: Walang taong aamin sa nagawang krimen

Sharing is caring!

Laganap ang alegasyon na tanim-ebidensiya lamang ang nangyari sa pagkakaaresto kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace talks consultant Vic Ladlad.

Mariing itinanggi ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang mga alegasyon.

Ayon sa kanya, imposibleng tanim-ebidensiya lamang ang nangyari dahil napakaraming armas ang nahuli mula rito sa isang bahay sa Quezon City.

“Malabo pong sabihin nilang planting of evidence po ‘yan. Napakarami po ng nakuha. Siguro kung isang granada ‘yan pwede tayong magduda,” saad ni Albayalde.

Dagdag pa ni Albayade wala umanong kriminal na aamin sa nagawang krimen nang hamunin ito ng asawa ni Ladlad na ipa-finger print test ang mga nahuling baril.

Bukod kay Ladlad ay arestado rin ang mag-asawang Alberto at Virginia Villamor na nangungupahan sa naturang bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?