22

Jan 18, 2020 @ 17:43
By

Albayalde inosente hangga’t hindi pa napatunayang nagkasala – DILG

Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mananatiling “not guilty” si retired Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde hangga’t hindi pa napatunayan sa korte na nagkasala ito.

Ito’y sa kabila na nakasuhan si Albayalde ng graft kaugnay sa pagkakasangkot sa anti-illegal drug raid sa Pampanga noong 2013.

Inakusahan si Albayalde ng pagpigil sa pagka-dismiss ng 13 dati niyang tauhan na sinasabing mga “ninja cop’’.

Si Albayalde noon ang Pampanga Provincial Police Director nang mangyari ang kontrobersiyal na drug raid noong 2013.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?