288
Albayalde: Isiniwalat ni Ancierto vs adviser ni Duterte, kaduda-duda
Sep 26, 2019 @ 17:32
By

Albayalde gigisahin ng Senado sa isyu ng ‘ninja cop’

Iimbitahan ng Senado si Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde sa susunod na pagdinig kaugnay ng mga anomalya sa New Bilibid Prison at sa isyu ng tinatawag na “ninja cops”.

“As PNP chief, we will invite him,” pahayag ni Senador Richard Gordon, chiar ng blue ribbon at justice and human right committees sa panayam ng mga reporter nitong Huwebes.

“Hindi pa ako nag-i-invite. These are public officials madaling tawagin ‘yan,” dagdag nito.

Ayon pa kay Gordon, may kinakausap pa silang isang pulis para kumpirmahan ang naunang pahayag ni dating Criminal Investigation and Detection Group chief Benjamin Magalong tungkol sa “ninja cops” na sangkot sa pag-recycle sa nakumpiskang iligal na droga sa mga anti-drug operation.

“Active pa ‘yan. I’m trying to call him kasi kagabi lang nasabi sa akin. He will bolster (the claim) or give additional names,” sabi ni Gorodn.

Tumanggi naman si Gordon na sagutin ang tanong kung kasama ba si Albayalde sa mga pinangalanan ni Magalong sa executive session sa Senado.

Hahayaan na umano niya si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga pulis na sangkot dahil naibigay na naman niya ang full transcript ng executive session.

Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na ayaw niyang pangunahan ang Pangulo na banggitin ang mga pangalan ng mga pulis na nasa listahan.

“May kasunduan kami na bayaan na lang ang Palasyo mag-announce kung sino ang nasa listahan,” sabi ni Lacson.

“Maybe after that, anyway magkakaroon ng last hearing sa October 1 ang committee on justice, doon mako-confront lahat na nangyari sa executive session kasi na-authorize ang committee to make public. So open public hearing na ‘yan,” wika pa nito.

Sabi pa ni Gordon, pangalanan man o hindi ni Duterte ang ninja cops, ibubunyag din naman nila ang mga ito sa pagdinig ng Senado sa Martes, Oktubre 1.

“Ang usapan kahapon, pangalanan o hindi ni Presidente, ii-invite na at papangalanan na,” ani Gordon na tumangging pangalanan ang tinaguriang “ninja cops”.

“Not now, I will be violating our agreement,” wika pa nito.

Sa pagdinig sa Martes, may pagkakataon na umano si Albayalde na sagutin ang alegasyon na pinoprotektahan nito ang mga pulis na sangkot diumano sa pagbebenta ng iligal na droga.

“All he has to do, if he is given the opportunity, explain himself. Of course, he will be subjected to questioning by senators during the public hearing if and when he is invited and if he will attend,” sabi ni Lacson.

“So kung may mga details doon na available na pwedeng itanong sa kanya, kayo mismo ma-gauge ninyo kung meron ba siyang kinalaman o wala sa nangyari na agaw-bato noong 2014,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?