31

Oct 15, 2019 @ 18:31
By

Albayalde ‘di pinuwersang magbitiw! – Año

“Hindi pinuwersang magbitiw si (Philippine National Police) chief si P/General Oscar Albayalde.”

Ito ang ginawang paglilinaw ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Año, mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi sa kanya na may tiwala pa rin ito kay Albayalde, sa kabila ng pagkakasangkot sa kontrobersiya na may kinalaman sa ‘ninja cops’ o mga pulis na nagre-recycle ng nakukumpiskang shabu.

Wala rin naman umanong masabi laban kay Albayalde ang pangulo noong hepe pa ito ng PNP.

“He was not forced to resign kasi si Pangulo ang sabi naman niya sa akin may tiwala pa rin siya kay General Albayalde. Wala siyang masabi rito nung ito ay hepe ng PNP,” saad pa ni Año sa panayam sa telebisyon.

Sinabi rin ng kalihim na noong nakaraang Miyerkoles ng nakaraang linggo pa nagpahayag ng intensiyon si Albayalde na bumaba sa puwesto kung saan pinayuhan pa niya ito na pag-isipan muna nang mabuti ang gagawing desisyon.

“Wednesday last week nung unang nagbigay ng intention si General Albayalde na he’s contemplating to relinquish his position. Ang sabi ko naman sa kaniya, ‘Pag-isipan mong mabuti. After this Wednesday hearing, you decide kung ano ang gusto mo,” ayon sa DILG chief.

“Noong Sabado, nag-usap kami nang masinsinan. Dala-dala na niya ‘yung kaniyang letter sabi niya, “Sir, I am formally submitting this letter to you. This is my intention to relinquish my post”,” dagdag pa ng kalihim.

Nobyembre 8, 2019 pa sana ang mandatory retirement ni Albayalde ngunit pinili nitong bumaba sa posisyon nitong Lunes, Oktubre 14 dahil sa kinasangkutang isyu na mariin naman niyang pinabulaanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?