131

Apr 6, 2018 @ 9:06
By

Albayalde bilang PNP chief, aprub sa mga senador

Suportado ng mga senador ang pagpili kay National Capitol Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde bilang magiging pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Senate Majority Leader Tito Sotto na akma si Albayalde sa posisyon dahil mahusay ang rekord nito sa PNP.

Bilib naman si Senador Sherwin Gatchalian kay Albayalde dahil sa reputasyon nito na mahigpit at dumidisiplina sa mga pulis.

Agad nitong hinamon si Albayalde na ituloy ang pagdisiplina sa mga pulis at linisin ang PNP mula sa mga tiwali.

“I urge Director Albayalde to use this style of leadership to instill greater discipline in the police force and eliminate scalawags through a rigorous internal cleansing program,” pahayag ni Gatchalian.

Bumilib naman si Senador JV Ejercito kay Albayalde dahil sa masipag na pag-iikot sa mga himpilan ng pulisya kaya aprub din ito sa kaniya para pumalit kay outgoing PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

“We need in the PNP an honest to goodness disciplinarian like Gen. Albayalde, as shown in his untiring efforts in going around in the wee hours of Metro Manila to inspect and see to it that all his men are on the guard is a manifestation of his devotion to duty,” pahayag ni Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?