749

Dec 29, 2018 @ 19:48

Albay mayor binalaan ni Duterte: Tigilan mo pananakot mo

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang alkalde sa Albay na huwag magkamaling takutin ang biyuda ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe kung ayaw nitong sugurin sa kanyang bahay.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Kidapawan City matapos mamahagi ng titulo ng lupa sa mga magsasaka.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya mangingiming ipahiya ang alkalde sa harapan ng kanyang pamilya kapag inulit nito ang pananakot sa biyuda at pamilya ng pinaslang na kongresista.

“Sabi ko sa kanya, ‘Pag nakarinig pa ako ng isang panakot-nakot mo dito, puntahan kita sa bahay mo. Sa harap ng asawa mo payi anal mo, sasampalin kita. I will give you the ultimate humiliation,” anang Pangulo.

Batay sa ibinigay na impormasyon ng pulisya kay Pangulong Duterte, lumilitaw na politiko umano ang nasa likod ng pagpatay kay Batocabe kasama ang police escort nito.

Idinagdag pa ng Pangulo na hindi niya papayagang maulit ang karahasan sa Albay kaya kapag inulit ang insidente ay pupuntahan niya ito sa bahay nito.

“I will not allow and sit on my ass at magkaroon dito uli ng terrorism. You will be facing me. Talagang pupunta ako dito at puntahan kita sa bahay mo, p*t*n* i*a mo l*ch* ka!,” ang galit na pahayag ng Presidente. (aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?