52

Feb 1, 2020 @ 11:27
By

Alay kay Kobe: George balak bumalik sa No. 24

Ang NBA teams at players, ayaw salingin ang Nos. 8 at 24 bilang respeto kay Kobe Bryant.

Si Dallas owner Mark Cuban, ire-retiro pa nga aniya ang number ni Kobe – wala nang ibang Mavericks player na magsusuot ng No. 24.

Pero si Paul George ng Clippers, gustong ilagay sa kanyang likod ang numero ng Black Mamba.

Sa kasalukuyan ay No. 13 si George. Pinag-iisipan daw niyang ibalik ang No. 24 bilang saludo kay Bryant.

No. 24 ang jersey ni George sa first four seasons ng kanyang career sa Indiana Pacers.

Mula kay Jovan Buha ng The Athletic:

“I thought it was great,” sabi ni George. “I seen guys doing it across the league. I actually reached out and see if I could bring 24 back, just because I always want to remember why I started playing this game. And that meant so much to me. You know, so, now I sit back and review it. I think every time should find a way to honor that. Let that jersey be a number that no one would be able to wear again. So we’ll see.”

Ang teammate ni George na si Moe Harkless, pinalitan ang jersey number bilang respeto kay Kobe.

“Other Clippers have made public gestures for Bryant, including Moe Harkless who switched his jersey number from No. 8 to No. 11,” ani Buha. “He joined a growing number of players who are changing their numbers from No. 8 and No. 24. Harkless was already wearing No. 11 at practice.” (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?