ABANTE Alaska Aces

Alaska winasiwas ang Kia, 102-65

Sharing is caring!

Bitbit ang matibay na depensa second half, tinambakan ng Alaska ang Kia, 102-65, kanina para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2018 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kumawala ang Aces sa third quarter kung saan mula sa mahigpitang 39-34 halftime lead, rumatsada ang mga ito para iukit ang 75-39 na kalamangan.

Ang rookie na si Jeron Teng, fifth overall pick sa nagdaang draft ang namuno sa Aces sa kanyang 23 puntos, siyam na rebounds at dalawang assists.

Nag-ambag si Carl Bryan Cruz ng 16 puntos at siyam na rebounds habang si Chris Banchero ay may 11 puntos at limang assists.

May tig-sampung puntos din sina Calvin Abueva, Vic Manuel, at Jake Pascual para sa Aces.

Nanguna naman sa Kia si Rashawn McCarthy na may 16y puntos at apat na assists subalit hindi nakayanan ang matibay na depensa ng Alaska para makuha ang kanilang 16 sunod na talo mula pa noong Commissioner’s Cup.

Scores:

ALASKA 102 — Teng 23, Cruz 16, Banchero 11, Abueva 10, Manuel 10, Pascual 10, Enciso 8, Galliguez 5, Thoss 5, Exciminiano 2, Potts 2, Casio 0, Racal 0.

KIA 65 — McCarthy 16, Camson 15, Tubid 13, Ababou 5, Caperal 4, Reyes 4, Cabrera 3, Celda 3, Yee 2, Galanza 0, Jamon 0, Paniamogan 0, Sara 0.

Quarters: 20-21, 39-34, 75-39, 102-65.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?