191

Alaska tinapos na ang San Miguel

Sharing is caring!

Ginapos ng Alaska Aces ang pag-asa ng San Miguel na makatuntong sa semis, nang pagharian ang kanilang laban at nagtapos sa 96-85 na panalo sa PBA Governor’s Cup quarterfinals.

Umiskor ang import na si Mike Harris ng 25 puntos at 17 rebounds upang pangunahan ang Aces na may twice-to-beat na bentahe.

Hindi pinaporma ng Aces ang Beermen sa quarterfinals para bumiyahe sa semifinals ng PBA Governors Cup.

Sa kanilang pagganti sa Beermen, martsa na ngayon ang Aces sa semifinals. Posible nitong makaharap ang Phoenix Fuel Masters o Meralco Bolts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?