44
Alaska sumandig kay Thoss, pinatumba ang Blackwater

Alaska sumandig kay Thoss, pinatumba ang Blackwater

Nakadalawang lagok na sa win column ang Alaska Aces matapos patumbahin ang Blackwater Elite, 103-101, sa aksyon sa PBA Philippine Cup nitong Miyerkoles.

Nagpakawala ang Alaska sa second half ng 14-2 blitz tampok ang seven points ni Jeron Teng para umabante, 63-50.

Ayaw pa ring sumuko ng Blackwater, nasa likod muli ng Aces 75-72 pagkatapos ng three, inagaw pa ang trangko 77-75 sa 3-pointer ni Mac Belo.

Tatlong lead changes at dalawang deadlocks pa mula sa final 2 1/2 minutes, nasa unahan ang Alaska 103-100 sa basket ni Sonny Thoss.

Ang una lang ang naipasok ni Roi Sumang sa kanyang free throws sa kabila 30 seconds sa laro, dinamba ni Cruz ang rebound at hindi na naka-attempt sa basket ang Elite.

Tumapos si Sonny Thoss ng 16 points, bukod sa 11 points ay pinamigay ni Chris Banchero ang 16 sa 27 assists ng Alaska. Off the bench ay may 14 markers at 9 boards si Chris Exciminiano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?