8

Oct 29, 2020 @ 15:18
By

Alaska piyesta sa pizza

BONDING kapag may time!

Parang magkakapamilya lang na nagdiriwang ng birthday ang Alaska Aces nang magpa-blowout ito ng pizza para sa buong koponan.

Nitong Miyerkoles kasi ng gabi ay napabalitang nagpakain ang management sa buong team.

“Pizza night!,”caption ni Alaska veteran Vic Manuel sa litrato kasama ang buong koponan.

Deserve naman ng koponan ang pizza blowout dahil nitong Martes ay minarka nila ang ika-4 na panalo sa 2020 PBA Philippine Cup matapos nilang patirikin ang TerraFirma Dyip.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?