24

Alaska pinalasap ang unang talo ng TNT

Perpektong laro ang ginawa ng Alaska para ibigay ang unang talo sa TNT ngayong season, sa pamamagitan ng 110-100 victory kagabi sa 2018 PBA Commissioner’s Cup Sunday sa Ynares Center.

Mistulang import naman si Vic Manuel matapos trangkuhan ang Aces sa naitala nitong 29 puntos at 12 rebounds para sa ikatlong sunod na panalo ng Alaska.

Big game rin ang naitala ni import Antonio Campbell na may 23 puntos, 20 rebounds at tatlong assists para sa Aces na nakitabla sa itaas ng standings, 3-1.

Nagsanib puwersa sina Manuel at Campbell para iukit ang 59-43 kalamangan sa first at pinalobo pa ang lamang sa 25, 92-67, mula sa floater ni Manuel, 10:46 sa fourth quarter.

All-around game naman si Calvin Abueva na may siyam na puntos, siyam na rebounds, tatlong steals, tatlong blocks at dalawang assists, habang may 10 puntos si JV Casio.

Nanguna sa TNT si Jayson Castron na may 18 puntos, anim na assits at limang rebounds.

Iskor:

ALASKA 110 — Manuel 29, Campbell 23, Casio 10, Abueva 9, Banchero 8, Racal 8, Enciso 7, Magat 7, Thoss 5, Teng 4, Baclao 0, Exciminiano 0, Potts 0.

TNT 100 — Castro 18, Romeo 17, Tyler 16, Rosario 15, Cruz 10, Pogoy 9, Semerad 5, Trollano 5, Reyes 3, Paredes 2, Carey 0, Garcia 0, Golla 0, Saitanan 0.

Quarters: 34-26, 59-43, 85-67, 110-100.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?