35

By

Alaska nakaiwas sa walis ng SMB

Nagawang makaligtas ng Alaska Aces sa pagwalis sa kanila sa serye ng San Miguel nang ilusot ang 125-104 win sa Game 3 ng best-of-5 PBA Commissioner’s Cup semifinals sa Ynares Center sa Antipolo kagabi.

Lubog sa 0-2 sa race-to-3 ng laban, hindi pumayag si Vic Manuel na umuwing luhaan at pinangunahan ang Aces para pahabain pa ang serye laban sa nagdodominang Beermen.

Tumapos na may 24 points at 6 rebounds si Manuel habang si import Diamon Simpson at may bak-up na 21 points.

Para kay Alaska coach Alex Compton, ang panalo nila kagabi ay nagpapakita kung paanong gusto ng koponan na banatin pa ang serye.

Halos buong quarters ay hawak ng Aces ang manibela pero sa third quarter nila ibinuhos ang lahat para tuluyang ilubog ang SMB.

Lamang pa sa series ang Beermen, 2-1.

Susultada ang Game 4 ng San Miguel-Alaska match sa Linggo, Hulyo 22 ganap na alas-6:30 ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?