341

Dec 20, 2018 @ 19:46
By

Alaska import Harris gustong bumalik, gaganti sa nag-angas na Magnolia player

Matapos mabigong kunin ang tropeo sa 2018 PBA Governors’ Cup, pursigidong bumalik ang naging import ng Alaska na si Mike Harris para muling samahan ang koponan sa kanilang kampanya.

Saad ni Harris, na tinanghal na Best Import sa liga, tatanggapin niya ang imbitasyon kung sakaling naisin pa ng Alaska na pabalikin siya hindi lamang para sa kampeonato, kundi para na rin makaharap muli ang isang Magnolia player na tila inangasan siya.

“They did a great job. They did what they were supposed to do. Nothing but respect for those guys. They earned it, they deserved it. We were one or two possessions away, but nothing but respect for those guys,” pakli ni Harris sa isang artikulo ng Spin.ph. “But someone made a gesture that I’ll never forget. One of them made a remark and I’ll never forget it, so I got a little fuel in my tank to try to come back next year if they’ll still have me.”

Nang tanungin kung sino ang nang-asar na Magnolia player, hindi nito inilantad ang pangalan nito.

“But it’s okay, don’t worry about it. It’s part of the game, they’re excited. But it’s something I’ll never forget and it’s great fuel for next year if they’ll have me back,” ayon pa sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?