chris-banchero

Alaska dinemolis ang Columbian Dyip ng 31 points

Sharing is caring!

Depensa ang nagpanalo sa Alaska para makawala nang husto sa Columbian Dyip, 134-103, Biyernes ng gabi sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Aces sa Commissioner’s Cup.

Si Chris Banchero ng Alaska ang pumigil kina Rashawn McCarthy, Jerramy King, at Reden Celda na nakapagtala lang ng 10-of-32 shooting.

Ani Banchero, maganda umano ang nilalaro ng tatlo kaya nilimitahan nila ang mga ito, na hindi makatuntong sa dobleng pigura.

Tumapos na may 9 points, 4 rebounds, at game-high 13 assists si Banchero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?