120

Dec 21, 2017 @ 11:55

Alaska coach Alex Compton bumilib kay Jeron Teng

Nagpamalas ng impresibong tirada para sa Alaska Aces si Jeron Teng kahit pa nga hindi nanalo sa laban nila ng Magnolia Hotshots, 108-95, sa ikalawang sultada kagabi sa PBA Philippine Cup.

Umani ng papuri mula kay Alaska coach Alex Compton ang PBA debut ni Teng kung saan makikita ang kanyang mga magulang na sina ex-PBA star Alvin Teng at Susan na nanood ng kanyang unang laro sa pro league.

Solidong 16 points at 4-of-9 shooting sa field ang isinukli ni Teng sa tiwala ni Compton na ihanay siya sa starting lineup ng Aces.

“He did very well,” ani Compton.

Sinabi pa nitong sa lakas at pagiging mabilis ni Jeron ay magiging tinik ito sa iba pang koponan na kanilang makakaharap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?