16

Sep 13, 2020 @ 23:17
By

Alas, Phoenix may gusot

Mukhang hindi maganda ang paghihiwalay ng Phoenix at ni coach Louie Alas.

Biyernes naglabas ng statement ang Fuel Masters na tine-terminate na ang stint ni Alas bilang coach ng team.

Noong Sabado aniya, kinausap siya ni team manager Paolo Bugia para papirmahin sa unang binigay na resignation letter. Hindi pumirma ang coach dahil ayaw niyang mag-iwan ng impresyon na inayawan niya ang kanyang team.

“Sabi sa’kin ‘nung Saturday night, ‘Coach, I’m appealing to you para at least may makuha ka du’n sa remainder ng contract mo.’ So ‘yun ang mas pinag-usapan namin,” wika ni Alas sa The Chasedown nitong Sabado. “Sabi ko, let me sleep on it. Patulugin n’yo muna ako dahil as I’ve said, I can’t do that – ‘yung magsa-sign ako sa piece of paper na nagre-resign ako, eh, hindi naman ako nagre-resign.”

Oct. 31 matatapos ang three-year contract ni Alas sa Fuel Masters.

Natanggap niya ang sulat matapos pumunta sa management para tanungin kung puwede na siyang magpa-swab test at makabalik sa workout ng team sa Upper Deck.

Binagsakan ng 15-day suspension without pay dahil aniya sa paglabag niya sa health protocols, kabilang ang pagpasok sa facility habang hindi pa tapos ang disinfection.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?