47

Feb 17, 2018 @ 18:02
By

Alas ni Guiao todo na; Isaac mangungulit pa

Pasada ng NLEX Road Warriors na kanain ang kanilang ika-apat na sunod na panalo at opisyal na makasingit sa playoffs ng PBA Philippine Cup sa pagsagupa nila buka sa nasa momentum na Blackwater Elite sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kung makukuha ng NLEX ang panalo, ito na ang kanilang pang-anim sa sampung laro nila at mapapagtibayan na ang kanilang panglimang puwesto at may pag-asa pang umibabaw kung maipapanalo nila ang huling laro sa elims kontra TNT KaTropa sa Miyerkoles.

Iniiwasan nila na mapunta sa pang-pito at walong puwesto dahil mahihirapan sila sa twice to beat advantage sa namumunong dalawa.

“We’re trying to get to a spot where we make the next round and not playing a team with a twice-to-beat advantage,” saad ni Yeng Guiao matapos ang kanilang pagkapanalo, 96-89, kontra sa Alaska noong nakaraang Linggo.

“Iyun lang siguro ang puwedeng maging goal namin ngayon,” dagdag ni Guiao, “Make the quarters and try to get to at least sixth place.”

Umangat ang NLEX dahil natalo nila ang mga nasa ilalim nilang koponan tulad ng Ginebra na mayroon ding 5-4 rekord, GlobalPort 4-5.

Ang Blackwater na galing lang din sa panalo ay mayroon nang dalawang sunod pero simple lang ang kanilang gusto, ang makapasok sa top 8.

“Ang focus namin, avoid the complications,” sambit ni Elite coach Leo Isaac matapos 95-76 win sa KIA noong Biyernes.

Ang tinutukoy ni Isaac ay ang magkaroon ng tiebreaker quotients at dikdikang labanan sa playoffs.

“Kasi meron pa naman kaming chance, meron pa kaming dalawang games,” ani pa ni Isaac. “On our own if we can handle it properly then we can avoid complications and outright papasok kami sa next stage of the tournament.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?