29

Mar 20, 2020 @ 14:59
By

Alas, kusinero muna ng pamilya

Magluto ng paboritong beef caldereta at magsilbing chef sa kusina para sa kanyang pamilya ang bagong trabaho ni Francisco Luis ‘Louie’ Alas.

Ito ang pinagkakaabalahan ng Phoenix coach sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos na biglaang suspindihin ang 45th PBA Philippine Cup 2020 tapos magbukas noong Marso 6 dahil sa nakamamatay na coronavirus disease o COVID-19.

“Chef muna ako dito sa bahay,” sabi ng biglaang naging in-house chef na pro league bench tactician kahapon matapos ideklara ang State of Public Health Emergency bago tuluyang inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa sa mas mabigat na ‘enhanced community quarantine’ at ‘total lockdown’.

Sinasamantala ni Alas ang bihirang pagkakataon at panahon na makasama ang kanyang pamilya matapos ang pansamantalang pagtigil sa coaching job.

“Early morning, namimili na ako para sa pagkain namin for the whole day,” hirit ni Alas, na siyang nakatalaga sa pamilya para mamalengke matapos na pagbawalan ang lahat na lumabas ng bahay upang makaiwas na mahawahan sa patuloy na lumalaganap na virus.

Pinanapos na pahayag ni Alas na paborito niya ang beef caldereta, habang siniguro din niya na palaging masarap ang nakahain para sa kanyang pamilya.

“Mas madalas nga lang ngayon fish o chicken kasi puro athlete yung nandito sa bahay.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?