67
kevin-alas
Feb 18, 2018 @ 20:39
By

Alas, binalikat ang NLEX kontra Blackwater

Muling nagpasiklab para sa NLEX Road Warriors si Kevin Alas sa kanilang laban kontra Blackwater Elite, 93-90, nitong Linggo sa PBA Philippine Cup sa Philippine Arena.

Nagtala si Alas ng bago niyang career high na 25 points, na may kasama pang 8 rebounds, 5 assists para pangunahan ang Road Warriors.
Sinundan siya ni Kiefer Ravena ng 23 points para makuha ang pang-apat nilang sunod na panalo at mayroon na sila ngayong 6-4 win-loss rekord katabla ang Alaska.

“It’s another hard game for us,” ani NLEX coach Yeng Guiao.

“Blackwater’s getting better and they’re giant-killers. I told the guys pahihirapan tayo ng team na ‘to and they did.

“Good thing Kevin Alas saved the day for us,” dagdag nito.

Lumaki hanggang 11 puntos ang lamang ng Elite ngunit hindi nito napagtibayan hanggang huli kaya naman nakuha nila ang pang-anim na talo sa kanilang sampung laro (4-6).

Muling nanguna sa Blackwater si Michael DiGregorio na may 16 points kasama sina JP Erram at Reymar Jose na may tig-14 na puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?