47

Alas, absent sa Game 6 dahil sa injury sa tuhod

Hindi makakapaglaro si Kevin Alas sa Game 6 ng PBA Philippine Cup semifinals match ng NLEX at Magnolia matapos dumanas ng posibleng pagkapunit sa ACL nito sa kanang tuhod noong Linggo.

Ang initial finding ay matapos dumaan ni Alas sa orthopedic surgeon na si Dr. George Canlas nitong Lunes ng umaga.

Sasailalim pa siya sa dagdag na pagsusuri sa kanyang tuhod kabilang na ang MRI, nitong hapon.

Sakaling mapagtibay ang nasuri rito, hindi makakapaglaro ng walong buwan ang dating Letran stalwart.

Natamo ni Alas ang pinsala, kulang isang minuto na lang sa Game 5 sa Ynares Center sa Antipolo City, kung saan natalo ang Road Warriors sa Magnolia, 87-78, para maiwan sa best-of-seven series, 3-2.

Inaasahang ‘di makakalaro ang point guard sa Martes ng alas-siyete ng gabi na do-or-die para sa Road Warriors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?