125

Jan 4, 2019 @ 21:28
By ,

Alapag welcome addition sa San Miguel

Malaki ang magiging impact sa San Miguel Beermen ng pagpasok ni Jimmy Alapag bilang pinakabagong miyembro ng coaching staff.

Ayon kay San Miguel head coach Leo Austria, ang pagiging maalam at may karanasan ni Alapag ang maaring magbigay buhay sa tropa.

“Alam naman natin ang capability ni Jimmy (Alapag) as a player. Maybe, he can share it to the players. He is an experienced player and a star player. He knows how to win,” wika ni San Miguel coach Leo Austria.

Star-studded kung isalarawan ni Austria ang kanyang line-up mula sa mga manlalaro hanggang coaching staff.

Makakasama ng dating Gilas Pilipinas captain sa coaching staff ng San Miguel ang ilang mga beteranong manlalaro gaya ni Ato Agustin, Peter Martin, Jorge Gallent, Boycie Zamar, Biboy Ravenas at si Dayong Mendoza.

Kinumpara pa ni Austria sa Golden State Warriors ng NBA ang San Miguel dahil sa pagigng star-studded nito.

“Alam mo naman ngayon nagbabago na ang theme ng basketball. Lahat can dribble, lahat can shoot from the perimeter. Just like in the NBA, we are the Golden State Warriors,” sabi nito.

Inamin din nito na hindi pa rin nila ang alam kung anong klaseng trabaho ang ibibigay nito kay Alapag, na ngayon ay pinangungunahan ang Alab Pilipinas sa kampanya nito sa ASEAN Basketball League (ABL).

“Actually, hindi pa namin napag-uusapan ‘yung role ng bawat isa. In the next few days, we will talk about it kapag kumpleto na kami,” pagtatapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?