42

Jan 22, 2021 @ 22:00
By

Alapag purnada sa NBA G League

Magiging bahagi sana ng NBA G-League team si dating PBA MVP Jimmy Alapag pero dahil sa pandemya ay dumulas ito sa mga kamay niya.

Sa panayam kay Alapag sa “Call to Arms” podcast, sinabi ng tinaguriang “The Mighty Mouse” ng PBA, na kinausap na siya ni Stockton Kings coach Bobby Jackson at sinabing gusto siyang kunin nitong isa sa mga assistant niya.

“He reached out and told me that him and (Sacramento Kings coach) Luke Walton had a meeting. He was offered the G-League coaching job with the Stockton Kings, and he was reaching out to me because if everything works out he wants me to join him on the staff as one of the assistant,” kuwento ni Alapag.

Pero dahil sa mga COVID-19 restriction, nilimitahan na lamang ng liga ang mga koponan nito sa 18 kaya ilang team ang nabura sa 2020-21 season na magbubukas sa Disney World sa Orlando, Florida sa susunod na buwan.

Dahil dito, napagdesisyunan ng Stockton Kings management na huwag nang sumali sa paparating na season.

“Similar to what happened in the NBA in Orlando where they could not accommodate all the NBA teams, they could not accommodate all the the G-League 28 teams in the bubble in Orlando,” lahad pa ni Alapag.

Sa kabila nito ay positibo pa rin ang San Miguel Beer assistant coach na dadating din ang inaasam niyang break sa G-League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?