320

Jun 15, 2019 @ 14:47
By

Alapag pasok sa Sacramento Kings bilang assistant

Nakatakdang maging assistant coach ng Sacramento Kings si Jimmy Alapag para sa 2019 Summer League sa Las Vegas, Nevada.

Si Kings general manager at chairman ng FIBA Players Commission na si Vlade Divac ang nag-imbita kay Alapag na maging bahagi ng kanilang coaching staff sa Summer League ngayong taon.

“I stayed in touch with Vlade Divac who is the Chairman of the FIBA Players’ Commission, where I’ve been a member of for the past four years. After our campaign ended in the ABL, I got to talk to him again,” sabi ni Alapag.

“I told him I needed to learn more about coaching because I’ve only been a head coach for two years and he brought up the idea that I should come in and learn from the Sacramento Kings where he is also the general manager.”

Isang malaking blessing aniya nito para kay Alapag at handa na siyang matuto ng mas maraming kaalaman sa mga coach ng NBA.

Lilipad patungong Amerika si Alapag sa Hunyo 26 para sumama sa pagsasanay ng training camp sa Sacramento bago pumunta sa Las Vegas.

Ang 15th NBA Summer League ay lalaruin Hulyo 5 hanggang 15, 2019 sa dalawang venue sa Thomas & Mack Center at Cox Pavilion sa University of Nevada, Las Vegas.

Ang 2019 NBA Summer League ay isang 11-day tournament na may 83 games na lalaruin ng 32 teams na maglalaro ng apat na preliminary games at ang top eight teams ang mase-seed sa torneo at makakaroon ng tsansa sa championship game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?