36

Sep 15, 2020 @ 21:41
By

Alapag, LJ lilipat na sa Amerika

Tinuloy na ng PBA player-turned-coach na si Jimmy Alapag ang kanyang balak na lumipat na sa Amerika at doon manirahan.

Kinumpirma ito ng naging agent ni Alapag na si Charlie Dy, kung saan nag-post ito sa Instagram na pinasalamatan ang kanyang naging alaga dahil sa kanilang pinagsamahan.

“Thanks for being my best talent and for the sincere friendship through the years. You’ll forever be family to me. Will miss our fun times with @alabpilipinas,” ayon kay Dy.

Dati nang nilahad ni Dy na balak ni Alapag mag-migrate na sa USA, kung saan nandoon din ang kanyang ibang kamag-anak, para doon na manirahan dahil na rin sa pangamba ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?