66

Sep 18, 2019 @ 12:05
By

Alapag handang maging Gilas coach

‘Di magdadalawang-isip ang dating Gilas captain na si Jimmy Alapag kung sakaling siya ang tapikin bilang head coach ng national men’s basketball team.

“I would be ready,” ayon kay ‘Mighty Mouse’ sa press conference para sa East Asia League Terrific 12. “That job is a unique opportunity, but comes with a huge responsibility.”

Isa si Alapag sa mga sinisipat na posibleng maging sunod na humawak sa Gilas program, kasama rin sa mga pagpipilian sina dating national team head coach Tab Baldwin, Ginebra mentor Tim Cone, maging ang naging PBA champion na rin na si Ryan Gregorio.

“It’s humbling. It’s an absolute honor,” aniya pa. “You guys know how much the Gilas program means to me, having been a part of the program for so long.”

Naniniwala si Alapag na may ibubuga ang Gilas sa kabila ng winless outing sa 2019 Fiba World Cup. Noong 2014 ay ang dating manlalaro ang isa sa mga naging instrumento para makuha ng Gilas ang nag-iisang panalo sa WC.

“It was tough because I think we all know that it wasn’t our best performance and we’re capable of much, much better. But it happens. So rather than blaming anyone or anything like that, it’s just a matter of how can we move forward and be better,” panapos niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?