71

By

Alapag, El Khatib, muling nagkrus ang landas

Sharing is caring!

Muling nakita ni dating PBA player at dating Gilas Pilipinas member Jimmy Alapag ang nakalaban mula sa team Lebanon na si Fadi El Khatib.

Noong 2000s ay naging tinik para sa Team Pilipinas (Smart Gilas Pilipinas) ang Lebanese player dahil na rin sa malupit na laro at scoring nito.

Sa pinost na larawan ni Alapag sa Instagram, sinabi nito na masaya siyang muling makita ang kanyang kaibigan na El Khatib sa Geneva, Switzerland.

Nasa Geneva ang dalawa para dumalo sa FIBA Players Commission meeting at sila ang kinatawan ng kani-kanilang bansa.

“Always great to see my good friend, and of the best players to EVER play in Asia. @fadielkhatib15 Here together in Geneva for @fiba Players Commission meeting,” post ni Alapag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?