346

By

Alapag, Caguioa, Ross nanliit sa inasal ng Gilas

Sharing is caring!

Matapos ang nangyaring gulo sa Philippine Arena Lunes ng gabi nang magsuntukan ang ilang players ng Gilas Pilipinas at Australia sa third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers, ilang PBA players ang nadismaya sa inakto ng Nationals sa rematch nila kontra Australia.

Nagsimula ang iringan ng dalawang koponan nang tanggalin ng Aussies ang logo at stickers sa flooring ng basketball isang araw bago ang laban.

Sumunod doon ay ang pang-aasar umano ng Boomers sa Gilas squad sa pre-warm up ng national team.

Nagpatuloy ang iringan hanggang sa loob ng basketball court dahilan para siyam na players sa Gilas ang ma-eject habang apat na players naman mula sa Boomers ang pinatalsik.

Umulan ng flying kick, suntukan at hagisan ng upuan sa Philippine Arena. Matapos ang insidente, umulan rin ng batikos sa social media ang hindi inaasahang ‘biggest brawl’ sa bansa.

Laking pagkadismaya ng ilang PBA players sa insidente.

Parehong nag-tweet ng “Embarassing!” sina San Miguel Beer star Chris Ross at former PBA player at ngayo’y head coach ng San Miguel Alab Pilipinas Jimmy Alapag.

Napa-‘Shake my head’ naman si Gin Kings veteran playmaker Mark Caguioa, “And we are hosting… SMH”. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?