16

Aug 4, 2020 @ 18:27

Alapag balak iwan ang ‘Pinas

Dahil sa COVID-19 pandemic, pinag-iisipan na ni Jimmy Alapag na isama ang kanyang pamilya para manirahan sa Amerika.

Ayon kay Alab Pilipinas owner Charlie Dy sa report ng Spin.ph, posibleng bumiyahe na patungong California ang dating Gilas captain kasama ang kanyang asawa na si LJ Reyes at kanilang mga anak.

“With the uncertainties going on now, they are contemplating on going back to the U.S.,” ayon kay Dy. “Nasa U.S. kasi ang family ni Jimmy so they will be closer to them.”

Sa ngayon ay nakatengga ang mga coaching duty ni Alapag sa Pilipinas, ito’y matapos na masuspende ang PBA kung saan assistant coach siya ng San Miguel Beermen, at kanselado naman ang ABL season kung saan siya ang head coach.

“Anytime naman, puwede siyang bumalik especially if the situation already normalizes,” paglilinaw naman ni Dy.

Si Alapag ay isa sa mga haligi ng Gilas Pilipinas, kung saan siya ang naging team captain para muling makapasok ang Pilipinas sa Fiba World Cup noong 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?