269

Jan 3, 2019 @ 11:19
By

Alapag bagong ka-San Miguel

Sali na ang dating TNT at Meralco player na si Jimmy Alapag sa balwarte ng San Miguel.

Ito’y matapos lumahok si practice ang Alab Pilipinas head coach sa Asean Basketball League.

Sa kanyang pagsali sa coaching staff ng koponan, mas lalong pinatikas ang mga mentor ng Beermen sa hanay nila Ato Agustin, Biboy Ravanez, Boycie Zamar, Dayong Mendoza at Peter Martin.

Bagong pagsubok ito sa pausbong na karera ni Alapag sa coaching, matapos ang PBA stint ay naging assistant coach sa PH team na Gilas Pilipinas bago manalo ng kampeonato bilang head coach sa ABL noong nakaraang season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?