30
alab
By

Alapag, Alab Pilipinas bumisita kay Duterte

Bumisita sa Malakanyang ang 2018 ASEAN Basketball League (ABL) champions San Miguel-Alab Pilipinas halos isang buwan matapos maiuwi ang kampeonato.

Pinagunahan ni Alab head coach Jimmy Alapag kasama ang mga manlalaro, managers at assistant coaches ng team, pinaunlakan nila ang paanyaya na bumisita sa Malakanyang at makausap si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa inilabas na larawan ni Renaldo Balkman sa kanyang Instagram account, makikita na magkakasama ang buong koponan at nasa gitna nila ang pangulo, sabay sabi na ito ay “one of those experiences for the memory rolodex.”

Nasikwat Alab Pilipinas ang kampeonato kontra Mono Vampire, 102-92, sa Game 5.

Ito na ikatlong titulo ng Pilipinas sa naturang liga matapos sundan ang yapak Philippine Patriots noong 2010 at San Miguel Beermen noong 2013.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?