32

Feb 20, 2020 @ 16:11
By

Alanis Morissette magkasunod ang concert sa ‘Pinas

Tiyak na solb na solb ang mga fan ni Alanis Morissette pagdating nito sa Pilipinas dahil dalawang araw ang magiging show niya sa Mall of Asia Arena.

Mapapanood ng April 6 and 7, 2020 ang “2020 World Tour” ni Alanis na bahagi ng selebrasyon sa 25th anniversary ng best-selling album niyang “Jagged Little Pill”, sabi sa kumpirmasyon ng promoter ng concert na Ovation Productions sa Inquirer.

Ito ay para mapagbigyan ang hiling ng publiko na magkaroon ng isa pang show dahil agad na-sold out ang tiket sa April 6 concert ng singer.

Ilan sa nakilalang kanta ng Canadian-American singer ang “Ironic” at “Head Over Feet”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?