2,217

Apr 6, 2020 @ 17:41
By

Alan Cayetano ‘nadulas’, pinutakte ng mga netizen

Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang sinasabing ‘pagkakadulas’ ni House of Representative Speaker Allan Peter Cayetano.

Sa recorded video kasi ng isang netizen ay nilantad nito ang ilang litanya ni dating senador Alan Cayetano.

Makikita at maririnig na pinapaliwanag ng 49-anyos na house speaker ang mga hakbang ng Emergency Subsidiary Program ngayong may banta ng COVID-19 sa bansa.

Ngunit habang nagsasalita, ay nakaagaw-pansin sa mga netizen ang unang binitawang salita ni Cayetano.

Habang nagpapaliwanag kasi ay tila nadulas umano ito sa narinig na sinabing: “Bago po umabot yung pera SAATIN.”

Agad naman niya itong binawi at tinama ang binitawang salita na ‘SAATIN’ at ginawang ‘SAINYO’.


Sa ngayon ay umabot sa 11K reactions ang nasabing post habang 8.9k naman ang share.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?