398

By

Alan Cayetano: Ako ang may gustong maging House Speaker, ‘di inutos ni Duterte

Sharing is caring!

Niliwanag ni outgoing Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na siya mismo ang may gustong kumandidato sa pagka-kongresista at lumaban para maging Speaker ng Kamara.

Kabaligtaran ito ng ulat na inutusan siya ng Pangulo na puntiryahin ang pamumuno sa Kamara.

“Hindi totoo na inutusan n’ya akong maging speaker. I asked for his support and he confirmed it to me and I told him i will not be at the DFA if you don’t want me to or if you dont want me to become Speaker and he said ‘go’,” sabi ni Cayetano.

“Hindi naman ako aalis ng DFA (Department of Foreign Affairs) unless the president says it’s okay with him,” dagdag ng kalihim.

Ayon kay Cayetano, hangad niyang maging speaker dahil hindi niya lubos na matutulungan ang pangulo kung isa lamang siya sa may 200 kongresista.

Nung magpaalam si Cayetano, halata umanong mabigat ang loob ng pangulo at agad na tanong kung sino ang papalit dito bilang kalihim ng DFA.

Nagliwanag umano ang mukha ng pangulo at agad na pumayag nung iminungkahi niyang italaga sa DFA si Permanent Ambassador to the United Nations Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?