212

Alamin: Timeline nina Standhardinger, Tautuaa

Christian Standhardinger

1st pick overall

2017 Rookie Draft (San Miguel Beermen)

Si Christian Karl Standhardinger (born July 4, 1989) ay Filipino-German professional basketball player ng San Miguel Beermen sa Philippine Basketball Association (PBA). Una siyang napiling first pick overall ng San Miguel Beermen sa 2017 PBA draft para maging pinakamatandang first overall pick sa PBA history.

Noong October 29, 2017 napili si Standhardinger na 1st overall sa 2017 PBA draft ng San Miguel Beermen. Hindi siya nakapaglaro sa buong 2017–18 PBA Philippine Cup dahil tinapos niya ang kontrata sa Hong Kong Eastern sa ASEAN Basketball League.

Pagsapit ng May 9, 2018, nakapaglaro na sa unang pagkakataon sa Beermen si Standhardinger sa 2018 PBA Commissioner’s Cup opener kontra Meralco Bolts. Talo ang San Miguel 85-93. Tumapos lang ng four points, five rebounds, two assists at two steals sa kanyang debut si Standhardinger.

Age: 30

High School: Erdgas Ehingen (Ehingen, Germany)

College: Nebraska (2009-2011)

Hawaii (2012-2014)

NBA Draft: 2014 (Undrafted)

San Miguel Beermen

(2019 Governors Cup)

4 Games Played

3.5 Points

4.0 Rebounds

0.25 Assist

0.25 Block

0.75 Steal

33% Field Goal

Moala Tautuaa

1st pick overall

2015 Rookie Draft (TNT Tropang Texters)

Si Moala D. Tautuaa Jr. (born April 30, 1989) ay American born Filipino-Tongan professional basketball player ng NorthPort Batang Pier sa Philippine Basketball Association (PBA).

First pick overall siya ng TNT Tropang Texters sa 2015 PBA draft.

Naglaro siya mula 2012–2014 parta sa Westports Malaysia Dragons sa ABL, at sa 2015–2018 para sa TNT Tropang Texters.

Mula 2018 hanggang bago ma-trade sa San Miguel ay naglaro naman siya para sa NorthPort Batang Pier.

Age: 30

High School: Claremont (Claremont, California)

College: Chadron State

NBA Draft: 2012 (Undrafted)

NorthPort Batang Pier (2019 Governors Cup)

6 Games Played

11.3 Points

8.83 Rebounds

2.33 Assists

0.83 Steal

0.50 Block

39% Field Goal

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?