36

By

Alamin: Sino ang ‘Nigerian prince’ na email scammer?

Isang ‘Prinsipe ng Nigeria’ ang diumano’y nanloloko ng mga tao para makakuha ng ilang libong dolyar, ayon sa Slidell police.

Si Michael Neu, 67-anyos, ay naaresto sa 269 counts ng fraud at money laundering matapos ang 18 buwan na imbestigasyon ng Financial Crimes Division ng Slidell Police Department.

Saad ng mga awtoridad, tumatayong ‘middle man’ umano si Neu na nakabiktima na umano ng daan-daang mga tao para kuhanan ng kwarta.

Ang modus, makakatanggap ng email ang isa indibiduwal na nagpapakilala bilang kakilala ng isang Nigerian prince at magkakaroon umano ang biktima ng limpak na pera ngunit ang siste, kailangang magbigay ng bank account details ng lalaki.

Marami ang naloko ng nasabing scam: “Most people laugh at the thought of falling for such a fraud, but law enforcement officials report annual losses of millions of dollars to these schemes,” saad ng Slidell police.

Kaya nakikiusap ang awtoridad sa publiko na ‘wag magpapaloko sa mga scammer lalo’t kung ang offer ay tila masyadong maganda sa pandinig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?