56

Aug 5, 2021 @ 19:42
By

ALAMIN: Schedule ng mga tren sa panibagong ECQ

Tiniyak ng iba’t ibang railway system sa Metro Manila na may biyahe sila sa dalawang linggong pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) na magsisimula sa Agosto 6.

Sa hiwalay na statement, sinabi ng pamunuan ng MRT-3, LRT-1 at LRT-2 na mga authorized persons outside residence o APOR lamang ang kanilang pasasakayin.

Sabi ng MRT-3, mananatili ang normal nilang operasyon kung saan 4:37 AM at 5:17 AM ang unang trip sa North Avenue station at Taft Avenue station.

Alas-9:30 ng gabi naman ang huling trip sa North Avenue at 10:10 PM sa Taft Avenue.

Mananatili rin umano ang kanilang 30% passenger capacity o hanggang 124 pasahero kada train car at 372 kada train set.

Samantala, wala rin umanong pagbabago sa schedule ng LRT-1 na 4:30 AM ang unang trip sa Baclaran at Balintawak stations habang huling trip mula Baclaran ay 9:15 PM at 9:30 PM naman sa Balintawak.

May adjustment naman sa operating schedule ng LRT-2 na mula 5 AM hanggang 6:20 PM mula Santolan hanggang Recto stations at vice versa.

5 AM hanggang 6 PM mula Antipolo hanggang Santolan; at 5 AM hanggang 6:50 PM mula Santolan hanggang Antipolo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?