428

Dec 23, 2019 @ 18:21

ALAMIN: Schedule ng mga bangko ngayong holiday season

Magbubukas pa rin ang ilang bangko sa bansa ngayong Pasko 2019.

– Bank of the Philippine Islands

May extended banking hours ang ilang branch ng BPI at BPI Family Savings Bank sa weekdays hanggang Enero 3, 2020. May mga branch ding mananatiling bukas hanggang Disyembre 28, 2019.

– BDO UNIBANK

Magiging available ang mga ATM at electronic banking nila. Bukas din ang ilang branch nito sa Disyembre 24, 30, at 31, 2019.

– Chinabank

May ilang branch na mananatiling bukas sa Disyembre 25, 30, at 31, 2019. Magpapatuloy ang regular banking schedule sa Enero 2, 2020.

– EastWest Bank

>Mananatiling bukas sa Disyembre 24, 2019 ang mga outlet sa Baclaran, 168 Mall, Greenhills Shopping Center, Festival Mall level 1, Festival Mall level 2, Bicutan-East Service Road, Cebu-Park Mall, Cebu-SRP II Corso.
>Mananatiling bukas sa Disyembre 30, 2019 ang mga outlet sa Baclaran, 168 Mall, Greenhills Shopping Center, Festival Mall level 1, Festival Mall level 2, Bicutan-East Service Road, Cebu-Park Mall, Cebu-SRP II Corso.
>Sa Disyembre 31, 2019, alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, bukas ang mga outlet sa Baclaran, 168 Mall, Greenhills Shopping Center, Festival Mall level 1, Festival Mall level 2, Bicutan-East Service Road, Cebu-Park Mall.

– Metrobank

May ilang branch na mananatiling bukas sa Disyembre 29 hanggang 31, 2019.

– PSBANK

Lahat ng mga branch ay sarado sa Disyembre 24, 25, 30, at 31, 2019; at Enero 1, 2020. Gayunman, mananatiling available ang lahat ng mga ATM, mobile, at online banking facility nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?