39

Nov 16, 2021 @ 18:28

ALAMIN: Saan pwedeng umiskor ng sapatos ni Thompson?

Ilang tulog na lang ay pwede nang makabili ng signature shoes ni Scottie Thompson.

Sa November 19 ay ibebenta na ang Scottie 1 sa piling branch ng World Balance.

Magiging available ang sapatos ng Ginebra star sa Ayala Market! Market, Riverbanks Marikina, Trinoma at The Shoe Hub sa Gaisano Mall Digos.

Personal na sinuot ni Thompson ang nasabing sapatos sa PBA, kung saan nagamit din niya ito noong mag-champion ang Ginebra sa 2020 PBA Philippine Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?