4,953

Mar 23, 2020 @ 13:07
By

ALAMIN: Pwede ba mag-sex kahit may COVID-19 crisis?

Para sa ilang tao, ang mahalagang epekto ng home quarantine ay isang-buwang pagiging tigang.

‘Wag mag-alala.

Pwede pa ring mag-sex sa ilang kondisyon, ayon sa New York City Department of Health (NYDOH).

Sa nilabas nilang patnubay na pinamagatang “Sex and Coronavirus Disease 2019 (COVID-19),” dinetalye talaga nila kung ano ang mga pwede at bawal gawin sexually habang may pandemya na COVID-19.

Una: pwedeng mag-‘sariling sikap’ o masturbation.

“You are your safest sex partner. Masturbation will not spread COVID-19,” wika ng NYDOH. Tiyakin lang anila na sasabunin at huhugasan sa loob ng 20 segundo ang ‘yong mga kamay at alinmang sex toy bago at matapos ang sex.

Sunod: ligtas anilang makipag-sex sa kasama sa bahay.

“The next safest partner is someone you live with. Having close contact — including sex— with only a small circle of people helps prevent spreading COVID-19,” ayon sa NYDOH.

Umiwas anila sa alinmang close contact, kabilang ang sex, sa sinumang nakatira sa labas ng inyong bahay. ‘Di rin nila nirekomenda ang “group sex.”

Awat din daw munang makipag-meet sa personal.

“Video dates, sexting or chat rooms may be options for you,” sey ng ahensiya.

Nagpaalala pa ang NYDOH na madaling maipasa ang COVID-19 sa paghalik.

Minungkahi rin nilang gumamit ng condom at dental dam para mabawasan ang contact sa laway o ebak (sa oral o anal sex).

Sinabi ng NYDOH na natagpuan ang COVID-19 sa ebak ng mga nagpositibong pasyente, ngunit hindi pa ito natatagpuan sa semen o vaginal fluid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?