549

Oct 4, 2019 @ 20:38
By

Alamin: Posibleng pumalit kay Albayalde bilang PNP chief

Nakatakda nang magretiro si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde pagsapit niya sa mandatory retirement age na 56 sa Nobyembre.

Apat na top official ang matunog na posibleng kapalit niya bilang hepe ng pambansang pulisya, ayon sa ABS-CBN report.

Kabilang dito ang dalawang “mistah” o kaklase ni Albayalde sa Philippine Military Academy Sinagtala Class of 1986 na sina PNP deputy chief for operations Lt. Gen. Archie Gamboa at PNP chief directorial staff Lt. Gen. Camilo Cascolan.

Maliban sa dalawa, posible ring maging PNP chief si National Capital Region Police Office Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Gaya ni Albayalde, kilala rin si Eleazar sa pagiging masigasig sa paglaban sa krimen at iligal na droga sa Metro Manila.

Isa ring contender at pinakabata sa mga nabanggit na mga opisyal si Manila Police District chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr., naging Davao City Police chief mula 2013-2016. )

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?