21

May 1, 2020 @ 14:35
By

ALAMIN: Paano umiwas sa heat stress?

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, pumalo sa 38°C ang heat index o ang naramdamang alinsangan sa Science Garden, Quezon City noong Huwebes ng tanghali.

Nakapagtala rin ang ahensiya ng maximum temperature na 35.1°C noong alas-12:45 ng hapon, Abril 30.

Kaya naman pinag-ingat nila ang mga Pinoy laban sa “heat stress.”

“Dalasan ang pag-inom ng tubig at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress,” ang payo ng Pagasa sa madla, via Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?