249

Jul 16, 2021 @ 11:59
By

‘Alamin niya muna ‘yung sitwasyon!’ Pacquiao sinopla si Duterte sa P2.2B tax case

Bumwelta si Senador Manny Pacquiao kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ungkatin ng huli ang kasong tax evasionlaban sa ‘Pambansang Kamao’.

Ayon kay Pacquiao, dapat ay inaral muna ni Duterte ang nangyari sa kaso, na naibasura na noong 2018 matapos magdesisyon ang Court of Tax Appeals na itigil ang pangongolekta ng Bureau of Internal Revenue ang aabot sa P2.2B buwis mula kay Pacquiao at asawa nitong si Jinkee.

“Alamin niya na muna yung sitwasyon ng case na yun, dahil malinaw naman yun at matagal na yun na issue. Nasa Court of Tax Appeals na ‘yan,” giit ng mambabatas sa panayam ng dzBB.

‘Inakyat nila sa Supreme Court dahil wala naman silang basehan. Wala naman silang basehan para magkautang ako ng ganyan,” sambit pa ng fighting senator.

Dagdag pa ni Pacquiao, nakahanda ang kanyang abogado na sagutin ang lahat ng kanilang tanong ukol sa kaso.

Matatandaan na pinuna ni Duterte si Pacquiao at sinabing bilyon umano ang utang ng senador sa gobyerno.

“Not because gusto ko siyang habulin, ayaw ko. Sabi kasi niya corrupt, eh ‘di kung corrupt kami, ikaw when you cheat the government, then you are a corrupt official lalo na. I remember merong kaso siya, it’s still I think with the courts but I’ll check it,” dating pahayag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?