163

Apr 28, 2020 @ 13:32
By

ALAMIN: Mga lugar sa bansa na pasok sa ECQ

May mga pook sa bansa na pinalawig ang enhanced community quarantine hanggang Mayo 15, 2020.

Sa pinakahuling pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Abril 28, ito’y ang mga sumusunod:

– National Capital Region
– Gitnang Luzon (bukod sa Aurora)
– Calabarzon
– Pangasinan
– Benguet
– Baguio
– Iloilo province
– Cebu province
– Cebu City
– Davao City

Ang mga hindi nabanggit na lugar, ayon pa kay Roque, ay nakasailalim naman sa General Community Quarantine. Magtatagal din ito hanggang Mayo 15.

Kaiba sa ECQ, pinapayagan sa GCQ ang mga pampublikang transportasyon at essential construction projects.

Ang mga manggagawa’y papayagan na ring pumasok sa trabaho at exempted sa curfew sa gabi.

Sa GCQ, pwede nang pumunta sa mall ang mga tao na edad 21 hanggang 59, may ID, at “hindi mukhang maysakit.”

Pwede na ring ipagpatuloy ang mga klase sa higher education institutions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?