3,648

Sep 29, 2019 @ 15:41
By

ALAMIN: Mga lugar na walang pasok bukas, Setyembre 30

Kanselado na ang mga klase sa ilang lugar sa bansa bilang paghahanda sa gaganaping National Transport Strike ng ilang transport groups bukas, Setyembre 30, 2019, laban sa ipatutupad na phase-out ng mga dyip sa Hulyo 2020.

Una nang inanunsiyo ng Alliance of Concerned Transport Organizations, Stop and Go Coalition, Central Luzon Transport Group, at Pinag-isang Samahan Ng Mga Tsuper at Opereytor Nationwide na sama-sama silang mananawagan laban sa public utility vehicle modernization program ng administrasyong Duterte.

Narito ang ilang mga lugar na nauna nang magsuspinde ng klase para sa Lunes.

LAHAT NG ANTAS

Pasay City
Majayjay, Laguna (pati Okt. 1-2 dahil sa isang Executive Order at town holiday)
Rizal, Laguna
San Pablo City, Laguna
Santa Cruz, Laguna
Tiaong, Quezon
Pampanga
Iloilo City
Bacolod City
Bago City, Negros Occidental
Talisay City, Negros Occidental
Masbate City (dahil ika-19 anibersaryo ng cityhood nito)

MGA PAARALAN
Citi Global College
Don Bosco Makati
Espiritu Santo Parochial School of Manila
Guadalupe Catholic School
Holy Child Catholic School
Malayan Colleges Laguna
Manila Cathedral School
Mapua University
San Pablo Colleges
St. Paul College of Makati
UP Visayas – Iloilo City Campus
UP Visayas – Miagao Campus
Westbridge Institute Of Technology

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?