9

Feb 5, 2021 @ 18:48
By

ALAMIN: Mga lugar na uulanin dahil sa tail-end ng frontal system

Inaasahang makulimlim na langit na may kasamang pag-ulan ang mararanasan ng mga residente ng Bicol Region, Rizal, Marinduque, Quezon, Romblon at Oriental Mindoro dulot ng tail-end ng frontal system ayon sa PAGASA.

Binalaan naman nila ang mga naninirahan sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o landslide.

Dagdag pa rito, inaasahang magdadala rin ng bahagyang pag-ulan ang Amihan sa Cagayan, Apayao, Isabela, Kalinga, Quirino, Mountain Province, Ifugao at Aurora.

Anang ahensya, maaari ring ulanin ang ilang bahagi ng Metro Manila at buong Luzon.

Inaasahan ding uulanin ang bansa buhat ng mga localize thunderstorm.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?