99

May 16, 2020 @ 15:58
By

ALAMIN: Mga establisyimento na pwedeng magbukas sa MECQ

Ngayong Mayo 16 ay nasa ilalim na ng modified enhanced community (MECQ) ang ilang lugar sa bansa.

Kabilang sa nasa ilalim ng MECQ ang Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales, Angeles City, Metro Manila at Laguna.

Batay sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang mga lugar na nasa MECQ ay “partially allowed” na magbukas ng mga establisyimento.

Ilan sa pinapayagan nang magbukas pero hanggang 50% lang na kapasidad ay mga sumusunod:

· Malls, commercial centers (non-leisure lang)

· Dining/restaurant (walang dine-in, delivery at take-out lang)

· Hardware stores

· Clothing at accessories

· Mall-based government frontline services

· Bookstores, school at office supply stores

· Baby care supply stores

· Pet food at pet care supplies

· IT, communications at electronic equipment

· Flower, jewelry, novelty, antique, perfume shops

· Toy store (sarado ang playgrounds at amusement area)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?