15

Jan 13, 2021 @ 19:14
By

ALAMIN: Iwas-sakit tips ngayong taglamig

Naitala ng Pagasa nitong Miyerkoles ang 20.6 degrees Celsius sa Quezon City, ang pinakamalamig na temperaturang naitala sa Metro Manila mula nang magsimula ang Amihan season.

Kaya naman nagbigay ng payo ang Department of Health (DOH) upang maiwasang magkasakit ngayong malamig ang panahon kung saan uso ang sipon, ubo at trangkaso.

Kabilang sa iwas-sakit tips ng DOH ang pagsusuot ng makapal na damit at pag-iwas na magtagal sa labas o magpa-gabi.

Dapat din daw bawasan ang pag-inom ng kape at alak na maaaring maging sanhi ng dehydration.

Sabi ng Pagasa, hanggang Pebrero pa mararamdaman ang malamig na panahon kaya paalala ng mga eksperto: magpalakas ng katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansya, pag-inom ng bitamina, madalas na paghuhugas ng kamay, sapat na tulog at pahinga, at mag-ehersisyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?