119
Alamin: Itsura ng magiging anak ni Japeth
By

Alamin: Itsura ng magiging anak ni Japeth

Ngayong nakapag-propose at ganap nang engaged ang Ginebra star na si Japeth Aguilar, malapit-lapit na ito sa buhay-pagpapamilya.

At sa Instagram post ng kanyang fiancé na si Cassy, nagkwentuhan ang dalawa sa posibleng maging itsura ng kanilang magiging baby.

Saad ni Cassy, posibleng maging katulad ang kanilang anak ni NBA star para Giannis Antetokounmpo dahil sa tangkad ni Japeth.

Nakakatuwa naman ang tugon ni Japeth, baka ang kalabasan daw ng kanyamg magiging supling ay isang 6’11” na Bruno Mars lalo’t naka-afro ngayon ang atleta parehas ng sa singer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?