80

Dec 31, 2019 @ 11:25
By

Alamin: Dapat gawin sakaling malason sa paputok

Naglabas ang Department of Health (DOH) ng mga dapat gawin sa firecracker poisoning.

Ayon sa Facebook post ng DOH, kung balat ang apektado dapat gawin ang mga sumusunod:

1. Agad hugasan ang apektadong bahagi ng katawan gamit ang umaagos na tubig.

2. Agad tanggalin ang kontaminadong damit sa apektadong parte ng katawan.

3. Agad humingi ng tulong medikal.

Kung nalanghap naman ang paputok:

1. Ilayo ang pasyente sa usok na dulot ng sumabog na paputok.

2. Siguraduhin na makakahinga nang mabuti ang pasyente.

3. Agad humingi ng tulong medikal.

Kung nakalunok:

1. Huwag piliting sumuka.

2. Agad dalhin sa malapit na ospital

Kung napunta sa mata:

1. Hugasan kaagad nang di bababa sa 15 minuto.

2. Agad humingi ng tulong medikal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?